233rd Movie Review: Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? (1972)

Nakakatuwa at Nakakaiyak, Ngunit Masyadong Mahaba

“Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?” ay isang pelikulang nasa diresyon ni Eddie Romero na unang lumabas nung taong 1976. Ito ay ipinakita mula sa isang palabas-biswal sa Cine Adarna, UP Diliman at sinubukan kong panoorin. Ngunit di ko inakalang tatagal ako sa loob ng sinehan ng lampas sa dalawang oras.

Sangkot sa pelikulang ito sina Christopher De Leon bilang Nicolas “Kulas” Ocampo – ang pangunahing bida – Gloria Diaz bilang Matilde “Diding” Diaz Patron – ang minamahal ni Kulas – at Eddie Garcia bilang Don Tibor. Kasama rin dito sina Dranreb Belleza, Leopoldo Salcedo, Rosemarie Gil, Johnny Vicar, E.A. Rocha at Tsing Tsong Tsai.

Nagsimula ang pelikula sa isang eksena kung saan nasunog ang bahay kubo na tinitirahan ni Kulas bunga ng kanyang kapabayaan. Sapilitan niyang nilisan ang bukid upang maghanap ng pansamantalang matutuluyan. Sa kanyang paglakbay, natagpuan niya ang isang pari (Rocha) na nagtatago sa mga magnanakaw. Nakiusap ang pari kay Kulas na hanapin ang kanyang anak sa labas na si Bindoy (Belleza) at iuwi siya sa Maynila. Pabalik na si Kulas kasama si Bindoy nang matagpuan niya ang isang pangkat ng mga tagapagtanghal na nasiraan ng gulong. Dito niya nakilala si Diding (Diaz). Subali’t hindi niya naipahayag ang kanyang pag-ibig sa kanya dahil napilitan silang maghiwalay matapos silang arestohin.

Nakarating si Kulas sa Maynila sa tulong ng isang Tsinong marunong mag-Tagalog na ang pangalan ay Lim. Dito nagsimula ang iba’t ibang mga pangyayari na nagbago sa buhay ni Kulas. Dahil sa paghatid niya kay Bindoy pauwi, biniyayaan siya ng pari at binigyan siya ng kayamanan at isang bahay.  Natagpuan niya muli si Diding, ngunit hindi nais ni Diding na magpakasal sa kanya. Pero sa huli ay nag-iba rin ang isip ni Diding kaso nga lang hindi na ito tinanggap ni Kulas. Lumisan si Kulas upang sumama sa mga tulisan at ipagtanggol ang mga Pilipino laban sa mapang-aping mga Amerikano. Dito niya natuklasan ang kahulugan ng pagiging isang tunay na Pilipino.

Napakagaling ng direksyon ni Eddie Romero sa pelikulang ito. Naipakita niya sa satirical at nakakatawang  pamamaraan kung paano tinatrato ang mga Pilipino nung panahon ng kolonyalisasyon. Ipinakita sa pelikula ang buhay ng mga Pilipino nung dantaon 19. May mga tulisan, magsasaka, pari, kasama na ang mga Tsinong namuhay na rin tulad sa mga Pilipino.

Maraming nakakatawang eksena na nagpapakita sa kamangmangan ni Kulas. At kahit na tinatawanan ko ito, nasaktan pa rin ako dahil parang tinatawanan ko na rin ang mga magsasaka at mga walang kayang mag-aral sa kasalukuyan. Kung iuugnay natin ito sa pamagat ng pelikula, nagmumukhang parang walang pinagbago ang Pilipinas sa noon at ngayon. Bagama’t hindi ito tama, may kaunting katotohonan pa rin ito.

Nagulat din ako sa kagandahan nila Christopher De Leon at Gloria Diaz. Ito ang aking unang pagkakataong makita sila nang sila ay may kabataan pa at mahusay din ang kanilang performance. Karapat-dapat talagang manalo ang pelikulang ito bilang Best Picture noong 1976 at dahil dito ako ay mas naging interesado sa dating pelikulang Pilipino.

Ang problema ko lamang sa pelikulang ito ay masyado itong mahaba at minsan ay di na ako nasisiyahan dahil masyado itong “draggy” pagdating sa huli. Datapwat hindi natin pwedeng sabihin na dahil dito ay hindi na maganda ang palabas na ito.

GRADO: B-

Sang-ayon ako sa wala dahil wala namang Rotten Tomatoes para sa pelikulang Pilipino

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s